RF: Hindi ko piniprint screen pag may nagfollow na “kilala” dito sa Tumblr.
Hindi naman sa mayabang ako kasi parang wala lang sa akin. Bawat tao naman na nagffollow sa akin eh natutuwa ako. Kahit ba simpleng blogger lang at hindi bigatin eh sobrang natutuwa pa rin ako.
Dati nagpprint screen ako pero ngayon, hindi na. Ayoko lang. Di ko na feel.
“Sana pedeng makita yung future para malaman ko kung tayo ba hanggang huli at para malaman ko kung kelangan ko na bang maglet go o mag hold on.”
Sana nga pede no? Para hindi na ganun kasakit. Kaso hindi. Dahil siguro bawat bagay na nangyayare sa atin ay may dahilan. May mga natututunan tayo. Para sa susunod na mangyari ulit ung mga pagsubok na un, alam na natin kung ano ang dapat gawin.
Nakapaglaro ka na ng clay?
Yung modelling clay. Yung ginagawa nating bulaklak, pizza, tao, ahas, etc. Di ba pinapaganda natin ang paggawa nito? Iniingatan natin para hindi madeform. Hindi natin hinahayaan na magalaw ng iba kasi nga masisira. Ginagawa talaga natin ang makakaya natin para maging maganda sa paningin ung paghubog natin doon sa clay.
Parang lang yan nung ginawa tayo ni God. Pinaganda niya talaga ang paggawa at iniingatan niya tayo nang mabuti. Hindi niya tayo hinahayaang mapahamak. Sino ba naman kasing gusto na masira ang gawa? Kaya lahat ng pagmamahal binubuhos niya sa atin.
Ganun na lang ang pag-aalaga sa atin ni God kaya dapat alagaan din natin ang ating mga sarili.
Grades don’t measure intelligence and age doesn’t define maturity.
Hindi mo naman agad masasabi na matalino ang isang tao dahil lang mataas ang grades niya. Malay mo masipag lang talaga siya kaya mataas ung mga nakukuha niya. Malay mo matiyaga lang talaga siya kaya nasa top siya.
Katulad lang yan sa edad ng isang tao. Hindi porket teenager palang eh wala ng alam sa buhay. Paminsan eh mas marami pang alam ang mga kabataan ngayon kesa sa mga nakatatanda, mas malawak ang kaisipan, mas nauunawaan ang mga pangyayari.
FOLLOW UNFOLLOW FOLLOW UNFOLLOW
ANO BA TALAGA?! ANG GULO MO TEH.



